"The face can speak of a thousand emotions but it can easily mask what the heart truly feels. Don't be fooled...for the happiest face may be masking the most hurting heart..."

Official tambayan

http://www.meebo.com/rooms

Friday, May 1, 2009

Today is Labor Day!

Today is May 01, 2009-LABOR DAY. Dapat daw magpahinga ako today, pero parang isang himala ang hinahanap nya...

Bum!

Oo, bum ako kanina sinunod ko lang ung payo nya. Tulog ako from 3 am to 6 pm kanina, bangis di ba?! bum! bum! bum! pero pagkapasok ko sa work, ayun! Gera na naman, ang daming customers!!! Time check, 11:23 pm, number of customers 35 out of 42, speed of internet connection 0.26Mbps, WTF??!! Ganyan kabagal internet connection namin ngaun, ang may sala? Ung tropa ng "The Hordes".

The Hordes- galing to sa larong Left 4 Dead, the hordes ang tawag sa isang pulutong ng zombies na aatake sa'yo, base dun sa laro. Ito naman ang term ko para sa pulutong ng mga chuvakles na customers namin dito sa shop tuwing gabi or sa madaling araw... para kaxe silang mga zombie sa gabi mo lang sila makikita... pagnakita mo sila.. hindi isa... kundi isang pulutong! Kaya.... The Hordes. =)

Kanina pala may nagpaprint sakin, first customer ko sa printing...

(Customer pumasok sa loob ng shop.)

Pobre: Yes ma'am good evening po.. mag- internet po kayo?

(Hindi sinagot ang tanong ko, kundi sinagot nya din ng tanong nya. =D)

Customer: May printer kayo?

Pobre: Yes po...

Customer: Magkano?

( Sa isip ko napatawa ako.. bibilhin nya ata ung printer namin. Well, sorry ma'am not for sale! )

Pobre: Print po ng black txt 5 Php/page.

(Inabot nya ung Usb Flashdrive nya. Na madaming-madaming-madaming-madaming susi!)

(Tapos ayun n un! naprint ko na... ala wenta nuh?!)

Ewan ko ba pero parang ang gara pagnakakakita ako ng usb flash drive tapos ang daming nakasabit dun.. mga susi, id, keychain, mga anik-anik! Ang bigat tuloy nung flash drive pagsinasaksak sa pc..naluwag tuloy ung saksakan namin ng flash drive dahil sa mga ganung bagay. Hello!!! Buy n lang kayo ng keychain! Dun nyo na lang lagay ung mga anik-anik nyo nuh! Peace man.

Next week sana makuha ko yung schedule na iyon. Well, medyo mahirap, hindi pala medyo, mahirap talaga yung schedule na yun pero ok naman! Sulit ang pagod ko pagkatapos nun hehehehe.. cross-fingers na lang ako... Yayks!

So.. hanggang dito n lang muna.. wetwew!

No comments:

Post a Comment