"The face can speak of a thousand emotions but it can easily mask what the heart truly feels. Don't be fooled...for the happiest face may be masking the most hurting heart..."

Official tambayan

http://www.meebo.com/rooms

Sunday, July 27, 2008

Huwag Po Itay..

“Sometimes you think you know the people that are close to you..but beware. Please excuse the graphic nature of how this story is told but I believe it is necessary to highlight the important lesson within...Huwag Po Itay...”

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi. hinding-hindi ko malilimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon ngunit maalinsangan ang simoy ng hangin. Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko lang maligo at nakatapis pa lang noon. Narinig kong kumatok si Itay sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya na kailangan naming mag-usap at huminging papasukin siya. Binuksan ko ang pinto at siya'y kagya't na pumasok sa aking silid. laking gulat ko ng ipinid niya at susian ang pinto. Hinawakan ni Itay ang aking mga kamay, hinaplos haplos niya ang aking buhok,ang aking mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking pisngi, sa aking mga labi. Napasigaw ako." Itay, huwag, huwag! Ako'y inyong anak! UT@NG na loob Itay!" Ngunit parang walang narinig ang aking Itay, ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang kanyang ginagawa sa akin. narinig ko si Inay na sumisigaw habang binabayo ang pinto at nagpipilit na ito ay buksan, " Hayop ka! Hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan!" Subalit wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lang akong walang katinag- tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay. Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin at ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita...magaling naman palang mag-make-up si Itay. Noong gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama, bakla pala siya. Labis akong nagalak sa galing at husay ng aking ama. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon. Niyakap ko si Itay at pareho kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na kami ngayon at nabubuhay ng matiwasay.

Lovingly Yours,

Badong

3 comments: