"The face can speak of a thousand emotions but it can easily mask what the heart truly feels. Don't be fooled...for the happiest face may be masking the most hurting heart..."

Official tambayan

http://www.meebo.com/rooms

Wednesday, May 27, 2009

Very Fast


Mula sa arrival area ng airport pumara ng isang taxi ang lalaking Hapon, pangalawang beses na nya sa ating bansa kaya medyo pamilyar na sya sa lugar, isang Kia Pride na taxi ang pumara sa tapat nya, halatang medyo dismayado ang Hapon sa nakuha kaya medyo luminga linga muna sya na wari’y tumitingin pa para sa ibang taxi bago sumakay. “Good afternoon sir!” bati ng driver pag ka sakay na pag kasakay ng hapon, “Oke oke” sagot naman ng hapon na patingin tingin pa rin sa may likuran nya, umaasa pa ring may ibang taxing masasakyan.
“Where to sir?” tanong ng driver sabay baba ng metro ng taxi, “Manila Pen, and make it fast!” sagot ng hapon, “why you only have few taxi today?” pahabol na tanong ng hapon, “its lunch time sir, most of the taxi driver are having their lunch”sagot ng driver, “Aaaaiiii, in Japan service first before anything else” sagot naman ng hapon, “we have to eat somehow sir or else we can’t perform our job well with an empty stomach” pabirong sagot ng driver. Tumahimik saglit ang hapon halatang medyo nairita.

“You’re alone sir?” tanong uli ng driver, napangiti ang hapon sabay sagot “yes alone now but maybe tonight I get company from the club hehehe”, “eh manyakis pala ito eh” pabulong na sagot ng driver, “what you saying?” tanong ng hapon, “ah nothing sir, nothing” nakangiting sagot ng driver. “You Filipinos have lot of videoke bar ha hehehe”sabat ng hapon habang naka-tingin sa gilid ng kalsada kung saan makikitang pila-pila ang mga videoke bar. “do you know that videoke came from japan?” pahabol ng hapon, “Yes sir videoke came from Japan, it originated from the Karaoke right?” sagot ng driver “Yes from karaoke, you’re right” sabi ng hapon. “Did you know sir that karaoke was patented from what you call a ‘Minus-one’ a sing-along machine that was invented by Roberto del Rosario who is by the way a Filipino” pagmamayabang ng driver, napatahimik nanaman ang hapon sa puntong yon at halatang mas nairita.

“Tell me, what is this car that you drive” tanong ng hapon, halatang gustong bumawi “This is Kia Pride sir, why do you ask sir?” sagot ng driver. “Do you know that most of the parts of this car is made from Japan?” sabi ng hapon, “Ah really sir? I don’t know that sir, all I know is that this car is locally assembled” sagot ng driver, napa tahimik nanaman ang hapon.

“You see that car?” tanong ng hapon sabay turo sa isang kotseng nag-overtake sa kanila, “The Toyota sir?” tanong ng driver, “Yes Toyota, that car made from Japan, VERY FAST!” patawang sagot ng hapon, hindi nakasagot ang driver. “What about that car?” sabay turo ng hapon sa isa pang nag overtake na sasakyan, “Mitsubishi sir” sagot ng driver, “Yes Mitsubishi, that car made from Japan, VERY FAST hahaha” pagmamayabang ng hapon habang ang driver ay tahimik lang at naka ngiti. Di pa man nag tatagal may isa nanamang kotse ang nag-overtake sa kanila, “That car also” sabay tapik ng hapon sa balikat ng driver at pangusong itinuro ang naunang kotse, “That’s a Honda sir” sagot ng driver, “Yes Honda, that car made from Japan, VERY FAST hahahaha!” namumulang sagot ng hapon tuwang tuwa sa mga pinagmayabang nya habang tuloy lang sa pagd-drive ang pinoy.

Ilang saglit pa ay huminto na sa tapat ng Manila Pen ang taxi, “Here we are sir!” sabi ng driver “Oke oke, how much I pay you?” tanong ng hapon, saabay bukas ng pinto ng kotse, “It’s 250 pesos sir” sagot ng driver, “WHAT?!” pasigaw na tanong ng hapon, “why so high? For a short distance run?” medyo galit na tanong ng hapon, “Ah sir, this meter” sagot ng driver sabay tapik sa taxi meter nya,
“This Taxi Meter, made from Japan, VERY FAST!”

Tuesday, May 26, 2009

"Papiroflexia"

Papiroflexia (Spanish for "Origami") is the animated tale of Fred, a skilful paper folder who could shape the world with his hands.





It needs a bit of effort to make this place a wonderful place.. again.

Monday, May 25, 2009

"SEBASTIAN'S VOODOO"

A voodoo doll must find the courage to save his friends from being pinned to death.




Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa isang kaibigan?

Sunday, May 24, 2009

"Reach"

A tiny robot is given the gift of life with only one limitation, the length of his power cable. When a curious bird appears at the workshop window, the robot feels a lust to live outside of his reach that may be his demise.






This story resembles a a constant in every human´s life: Sometimes we have to take our chances and risk everything in life to have even a slight glimpse of being something else, to dream a dream, to believe in ourselves, even for one second.

Friday, May 15, 2009

Txt-txt lang...


TSR (Tipid Sa Reply) - mga tipong "haha","hehe","ahh","ganun","ewan" lang ang reply mo kaya nauubusan ng sasabihin ang mga katext mo.

TGM (Taong Group Message) - mga taong gm lang ng gm. Masaya na basta makapag-gm lang.Karirista - mga taong gusto lang katext ang mga crushes nila at mga opposite gender. Derived from the root word "karir".

FSO (For Syota Only) - ito ang mga taong may paniniwalang "ang cellphone ay ginawa para sa syota".

TTE (Tulug-tulugan Epek) - mga tipo ng katext na nagtutulugtulugan nalang para makatakas sa isang conversation na walang patutunguhan.

XSE (Wrong Send Epek) - tipo ng katext na kunyari ay wrong send sa katext niya pero sinadya niya talagang isend yun. Kadalasang ginagawa ng mga may gustong sabihin pero hindi masabi ng diretso.

GMK (Group Message Kunyari) - kunyari gm pero isang tao lang naman talaga ang sinendan.

LWL (Laging Walang Load) - ang mga katext na laging hindi nagrereply dahil walang load.

DL (Deadma Lang) - ang mga taong kahit itext mo ng itext ay hindi ka rereplyan kahit may load o naka-unli pa sila.

Mukhang ganyan ako lahat... =D

Monday, May 11, 2009

Friday, May 8, 2009

"Di Ta Guae Yong Khee..."

Nag-aaral ako sa La Salle.


Ang dami kong kaklaseng Intsik. Apelyidong Uy, Lim, Tan, Co, Go, Chua, Chi, Sy, Wy, at kung anu-ano pa. Pero sa kanilang lahat kay Gilbert Go ako naging malapit. Mayaman si Gilbert kaya mangyari pa, madalas siya ang taya sa tuwing gigimik ang barkada.


Isang araw na-ospital ang kanyang ama. Sinamahan ko siya sa pagdalaw. Nasa ICU na noon ang kanyang ama dahil sa stroke. Naron din ang ilan sa kanyang malalapit na kamag-anak.

Nag-usap sila. Intsik ang kanilang usapan.... hindi ko maintindihan.

Pagkatapos ng ilang minutong usap-usap, nagkayayaan nang umuwi. Maiwan daw muna ako at pakibantayan ang kanyang ama habang inihahatid nya ang kanyang mga kamag-anak palabas ng ospital. Lumipat ako sa gawing kaliwa ng kama ng kanyang ama para ilapag ang mga iniwan nilang mga gamit na kakailanganin ng magbabantay sa ospital. Nang akmang ilalapag ko na ay biglang nangisay ang matanda.

Hinahabol nya ang kanyang hininga... Kinuyom nya ang kanyang palad at paulit-ulit siyang nagsalita ng wikang intsik na hindi ko maintindihan.

"Di ta guae yong khee"..... "Di ta guae yong khee"... "Di ta guae yong khee".. paulit-ulit nya itong binigkas bago siya malagutan ng hininga.



Pagbalik ni Gilbert ay patay na ang kanyang ama. Ikinagulat nya ang pangyayari ngunit marahil ay tanggap na rin nya na papanaw na ang kanyang ama. Walang tinig na namutawi sa kanyang bibig. Ngunit iyon na yata ang pinakamasidhing pagluha na nasaksihan ko.



Nagpa-alam muna ako, dahil siguradong magdadatingan uli ang kanyang mga kamag-anak.



Sumakay ako ng taksi pauwi. Habang nasa taksi.. tinawagan ko ang iba pa naming kabarkada. Una kong tinawagan si Noel Chua. Dahil marunong si Noel mag-intsik, tinanong ko muna kung ano ang ibig sabihin ng "Di ta guae yong khee".



"Huwag mong apakan ang oxygen. "...



"Bakit saan mo ba narinig 'yan?"

Thursday, May 7, 2009

Happy Mother's Day: Mommy Zoe =D




“A mother is the truest friend we have, when trials heavy and sudden, fall upon us; when adversity takes the place of prosperity; when friends who rejoice with us in our sunshine desert us; when trouble thickens around us, still will she cling to us, and endeavor by her kind precepts and counsels to dissipate the clouds of darkness, and cause peace to return to our hearts.”
Photobucket

Wednesday, May 6, 2009

Ok ka ba tyan?

"Kahit masarap ako, siguradong mabibitin ka lang sakin."

















-Yakult





Nakauwi na ko nang bahay nun, galing sa trabaho... at sakto nung patulog na ko...natanggap ko yung txt na yan galing kay jin. Dati ang yakult hindi mo basta-basta mabibili sa mga tindahan or sa mga 7/11 or mini-stop ( hindi pa kaxe sila uso nun), ang yakult mabibili mo lang dun sa mga aleng may hila-hilang ice box ng yakult! Yung color dirty white ang lalagyanan. Ngayon pagpumapasok ako sa mini stop dun sa kanto namin... ang paborito kong puntahan ehh ung open chiller nila.. makikita mo sa baba... mga c2 litro, mga bottled water na 1 litro din.. tapos sa taas dun mo makikita ang yakult... bakit ang yakult noon nasa maliit na bote? Hanggang ngayon nasa maliit pa din na bote? Ang sarap pa naman ng yakult.. kaso sobrang bitin... as in bitin talaga.. sana may yakult na 1 Liter na din... Sana lang.. cheers! =)

Tuesday, May 5, 2009

Dear Students:Bawal Tumawa... =)




Naglalakad kami nun nang makita ko ung karatulang nakalagay sa poste na yan. Syempre ako usisero tumayo ako sa harapan ng poste na yan para basahin kung ano ang nakasulat. Hindi ko alam kung gets nyo kung anong nakakatawa sa karatula na yan, pero para sa akin.. nakakatawang nakakasar ung isang salitang nakalagay dyan. No giggling.. bawal pala ngumisi sa subdivision na yan wahahahahaha... siguro kaya bawal ngusmisi sa lugar na yan ehh...

1.) Yung subdivision na tinatayuan ng iskwelahan n yan eh exclusive para sa mga emo.. kaya bawal ngumisi, bawal tumawa.

2.) Baka may hearing problem yung mga taong nakatira dyan.. kunwari ung bulong mo ang pandinig nila dun eh normal na pagsasalita ng isang tao.. tapos ang normal na salita eh sigaw na para sa kanila... peace yow! =)

Sana special school n lang din ang itinayo sa lugar na yan... school para sa mga bulag, pipi, at bingi... para walang reklamo.. walang ingay... walang tatawa...

Friday, May 1, 2009

Today is Labor Day!

Today is May 01, 2009-LABOR DAY. Dapat daw magpahinga ako today, pero parang isang himala ang hinahanap nya...

Bum!

Oo, bum ako kanina sinunod ko lang ung payo nya. Tulog ako from 3 am to 6 pm kanina, bangis di ba?! bum! bum! bum! pero pagkapasok ko sa work, ayun! Gera na naman, ang daming customers!!! Time check, 11:23 pm, number of customers 35 out of 42, speed of internet connection 0.26Mbps, WTF??!! Ganyan kabagal internet connection namin ngaun, ang may sala? Ung tropa ng "The Hordes".

The Hordes- galing to sa larong Left 4 Dead, the hordes ang tawag sa isang pulutong ng zombies na aatake sa'yo, base dun sa laro. Ito naman ang term ko para sa pulutong ng mga chuvakles na customers namin dito sa shop tuwing gabi or sa madaling araw... para kaxe silang mga zombie sa gabi mo lang sila makikita... pagnakita mo sila.. hindi isa... kundi isang pulutong! Kaya.... The Hordes. =)

Kanina pala may nagpaprint sakin, first customer ko sa printing...

(Customer pumasok sa loob ng shop.)

Pobre: Yes ma'am good evening po.. mag- internet po kayo?

(Hindi sinagot ang tanong ko, kundi sinagot nya din ng tanong nya. =D)

Customer: May printer kayo?

Pobre: Yes po...

Customer: Magkano?

( Sa isip ko napatawa ako.. bibilhin nya ata ung printer namin. Well, sorry ma'am not for sale! )

Pobre: Print po ng black txt 5 Php/page.

(Inabot nya ung Usb Flashdrive nya. Na madaming-madaming-madaming-madaming susi!)

(Tapos ayun n un! naprint ko na... ala wenta nuh?!)

Ewan ko ba pero parang ang gara pagnakakakita ako ng usb flash drive tapos ang daming nakasabit dun.. mga susi, id, keychain, mga anik-anik! Ang bigat tuloy nung flash drive pagsinasaksak sa pc..naluwag tuloy ung saksakan namin ng flash drive dahil sa mga ganung bagay. Hello!!! Buy n lang kayo ng keychain! Dun nyo na lang lagay ung mga anik-anik nyo nuh! Peace man.

Next week sana makuha ko yung schedule na iyon. Well, medyo mahirap, hindi pala medyo, mahirap talaga yung schedule na yun pero ok naman! Sulit ang pagod ko pagkatapos nun hehehehe.. cross-fingers na lang ako... Yayks!

So.. hanggang dito n lang muna.. wetwew!