"The face can speak of a thousand emotions but it can easily mask what the heart truly feels. Don't be fooled...for the happiest face may be masking the most hurting heart..."

Official tambayan

http://www.meebo.com/rooms

Friday, May 15, 2009

Txt-txt lang...


TSR (Tipid Sa Reply) - mga tipong "haha","hehe","ahh","ganun","ewan" lang ang reply mo kaya nauubusan ng sasabihin ang mga katext mo.

TGM (Taong Group Message) - mga taong gm lang ng gm. Masaya na basta makapag-gm lang.Karirista - mga taong gusto lang katext ang mga crushes nila at mga opposite gender. Derived from the root word "karir".

FSO (For Syota Only) - ito ang mga taong may paniniwalang "ang cellphone ay ginawa para sa syota".

TTE (Tulug-tulugan Epek) - mga tipo ng katext na nagtutulugtulugan nalang para makatakas sa isang conversation na walang patutunguhan.

XSE (Wrong Send Epek) - tipo ng katext na kunyari ay wrong send sa katext niya pero sinadya niya talagang isend yun. Kadalasang ginagawa ng mga may gustong sabihin pero hindi masabi ng diretso.

GMK (Group Message Kunyari) - kunyari gm pero isang tao lang naman talaga ang sinendan.

LWL (Laging Walang Load) - ang mga katext na laging hindi nagrereply dahil walang load.

DL (Deadma Lang) - ang mga taong kahit itext mo ng itext ay hindi ka rereplyan kahit may load o naka-unli pa sila.

Mukhang ganyan ako lahat... =D

1 comment:

  1. hahaha xD na relate ako dun ng sobra sobra galing ng mga pinopost mo kuya!! :D
    -KAITOUKID05

    ReplyDelete