"The face can speak of a thousand emotions but it can easily mask what the heart truly feels. Don't be fooled...for the happiest face may be masking the most hurting heart..."

Official tambayan

http://www.meebo.com/rooms

Wednesday, July 22, 2009

pobrengpinoy on cinemalaya 2009

Eto ang mga komento ko about dun sa 3 short films that i posted here to promote the 5th Cinemalaya Independent Film Festival.

For the first video, "Where is CCP?" eto ang pinaka-simple sa 3 short film (simple pero may dating). Wala masyadong dialogue pero....ahhhhh!!! d q alam ung mga tamang salita para i-define ang video, pero maganda sya, promise, at ang gusto ko sa video na ito ay ang pag-pose (smiling) nung character sa end ng film.

Ok, 2nd video naman, "The Candle Holder". Eto ang paborito ko sa 3, may twist ang story, drama, suspense, comedy at may MENSAHE- huwag mong papatayin ang iyong sining, gawin ang lahat upang maabot ang iyong pangarap. Ok din ang mga linya, talagang tatatak sa isipan ng mga manunuod tulad na lang nang pagtatanong kung ano ang relihiyon at ang pagsagot na depende sa mood nya. Ang galing talaga.

For the 3rd video, dito iba naman ang style nang pagkakagawa ng film, may background music, maganda ang mga linya, at may KILIG FACTOR. Gustong-gusto ko ung awit na ginawa para sa film na ito.

Sana ganito din kaganda, ka-creative, ka-unique nang mga storylines, nung mga commercialize movies natin ngayon na ipinalalabas sa malalaking sinehan. Matagal na kong hindi nanunuod sa mga sinehan, dahil para sakin, matagal nang namatay ang DIWA nang ART sa mga sinehan. Ang huling magandang pelikula na napanuod ko sa sinehan ay yung Dekada'70 (2002).

Sa mga nakakabasa po nito, sana suportahan po natin ang Cinemalaya. At sa Cinemalaya , mabuhay po kayo. Maraming salamat po.

Cinemalaya Website:
http://cinemalaya.org/

Cinemalaya Ad:



No comments:

Post a Comment