"The face can speak of a thousand emotions but it can easily mask what the heart truly feels. Don't be fooled...for the happiest face may be masking the most hurting heart..."

Official tambayan

http://www.meebo.com/rooms

Sunday, September 13, 2009

The Dreamer


The Dreamer
Francis Maycacayan

Tabla ang scores sa 72, tatlong minuto pa ang natitira sa final quarter. Muli akong tinapik ni coach para pumasok ulit sa hard-court.

Apat na minuto rin akong napahinga mula ng habulin ko ang 13 puntos na kalamangan ng kalaban, at ngayon nga ay tabla na dahil sa palitang score ng dalawang team.

Hinubad ko na ang suot kong warmer at nagpaalam ako sa table official para pumasok. Eksaktong "deadball," pwede nang sumabak. Sigawan ang mga tao nang narinig nilang pumasok na ang number 27 - matutunog na palakpakan, sipol at sigaw ng pangalan ko. Para bang di ko alam ang uunahin pag natapos na ang game: autograph signing, picture taking, o interview.
Ipinasa agad sa akin ang bola at itinira ko agad sa tres. "Number 27 for three points!!!!!"


"Yes!" Pumasok ang tira. Para akong celebrity, nakabandera ang pangalan ko sa court. Ngunit magaling ang numero singko ng kalaban, dumrive sya at nakakuha ng foul, na-i shoot nya ang bonus shot kaya tabla na naman ang score.

"Time-out!" Senyas ko kay ref. Gusto kong gumawa ng play. Two minutes left, sabi ng komentarista.
Tumunog na ang buzzer hudyat ng balik-laro para sa last two minutes ng final quarter,. Ako ang nag-inbound ng bola at ibinalik sa akin. Pinatay ko muna ang oras para makadiskarte nang maayos. Sigaw si coach ng "Gamitin mo ang oras!" kaya iyon ang ginawa ko.

Ngunit naagaw sa akin ang bola nang tangkain ko itong ipasa. Sobrang bilis ng singko at naipasok nya ang bola. 85-83 ang score abante ang kalaban 24 seconds left sa ballgame.


Sa amin ang bola, na-inbound ng kakampi ko at ako agad ang hinanap niya para pasahan. Bahagya kong pinatalbog talbog ang bola. Kung kanina ay takbong kabayo at kayod marino ang ginawa ko sa court, ngayon ay nilagyan ko ng disiplina. Kailangang mai-shoot ko at makakuha ako ng foul.

Hanggang sa nakakita ako ng puwang sa gitna at buong lakas akong sumalaksak. Sigurado makakakuha ako ng foul.


Lay - up with matching tap the board ang ginawa kong pang-finale. Pasok, ngunit may naramdaman akong sakit mula sa aking likuran - isang hampas mula sa kalaban. "Ref, foul!" Sabay pito ni ref at senyas na may foul nga daw.

Subalit mukhang di ko na kayang itira ang bonus shot sa sobrang sakit na natamo ko. Dahan-dahang nagdilim ang paningin ko. Unti - unting nawala ang crowd, ang fans, si ref, at ang buong court ... at ako nga ay bumagsak.....

Maya - maya pa ay naka - aninag ako ng isang matandang babae, nagngangalit ang mga panga nito sa galit at nakatingin sa akin...


Hanggang sa sya ay sumigaw: "Walanghiya ka Mamerto, kapag di ka pa bumangon diyan itong batya na ang tatama sa 'yo! Tanghali na wala pa akong tubig panlaba!!!"

Wednesday, July 22, 2009

pobrengpinoy on cinemalaya 2009

Eto ang mga komento ko about dun sa 3 short films that i posted here to promote the 5th Cinemalaya Independent Film Festival.

For the first video, "Where is CCP?" eto ang pinaka-simple sa 3 short film (simple pero may dating). Wala masyadong dialogue pero....ahhhhh!!! d q alam ung mga tamang salita para i-define ang video, pero maganda sya, promise, at ang gusto ko sa video na ito ay ang pag-pose (smiling) nung character sa end ng film.

Ok, 2nd video naman, "The Candle Holder". Eto ang paborito ko sa 3, may twist ang story, drama, suspense, comedy at may MENSAHE- huwag mong papatayin ang iyong sining, gawin ang lahat upang maabot ang iyong pangarap. Ok din ang mga linya, talagang tatatak sa isipan ng mga manunuod tulad na lang nang pagtatanong kung ano ang relihiyon at ang pagsagot na depende sa mood nya. Ang galing talaga.

For the 3rd video, dito iba naman ang style nang pagkakagawa ng film, may background music, maganda ang mga linya, at may KILIG FACTOR. Gustong-gusto ko ung awit na ginawa para sa film na ito.

Sana ganito din kaganda, ka-creative, ka-unique nang mga storylines, nung mga commercialize movies natin ngayon na ipinalalabas sa malalaking sinehan. Matagal na kong hindi nanunuod sa mga sinehan, dahil para sakin, matagal nang namatay ang DIWA nang ART sa mga sinehan. Ang huling magandang pelikula na napanuod ko sa sinehan ay yung Dekada'70 (2002).

Sa mga nakakabasa po nito, sana suportahan po natin ang Cinemalaya. At sa Cinemalaya , mabuhay po kayo. Maraming salamat po.

Cinemalaya Website:
http://cinemalaya.org/

Cinemalaya Ad:



Cinemalaya 2009

Cinemalaya Independent Film Festival 2009. Watch the festival at the Cultural Center of the Philippnes from July 17 to 29,2009. Sayang hindi ko mapapanuod ito. Pero promise ko sa sarili ko, next year, makakapanuod ako nito!!! Sabi nga dun sa end nung 3 short film na ipo-post ko dito- "Whatever it takes. For the love of films."

Cinemalaya 2009: (1 of 3) Saan Nagtatago Ang CCP? (Where is CCP?)





Directed by: Thierry Notz
Written by: Lilit Reyes
Produced by: Underground Logic and Production Village
Starring: Dino Jalandoni as the Lost Film Critic
Agency: Blackpencil/ Leo Burnett manila
Client: Cultural Center of the Philippines
Product: Cinemalaya 2009 Independent Film Festival
Soundtrack: Hit Productions
More credits are shown in the end of the film.

Cinemalaya 2009: (2 of 3) Candelabra (The Candle Holder)




Directed by: Jessel Monteverde
Written by: Lilit Reyes
Starring: EJ Galang and Erik Matti
More credits are show in the end of the film.

Cinemalaya 2009: (3 of 3) Ang Kapatid ko'ng Nagpupumilit Makita Si Ricky Davao



Directed by: Lee Briones Melly
Written by: Lilit Reyes
Starring: Ricky Davao, Ina Feleo, Coco Martin, Kiko Meily
Produced by: Spark* Films and RS Video Productions
Soundtrack: Hit Productions
Original Song: "Awit Para Kay Ricky D"
Composed by: Robbie Factoran
Lyrics by: Lilit Reyes
Performed by: Jingle Buena
More credits at the end of the film.

Tuesday, July 21, 2009

Prank Calls

Check out this guy, sobrang nakakatwa mga prank calls nya, maslalo na yung sa "SHABU", rated PG pala ang mga sumusunod na video na'to dahil sa ilang salitang di bagay sa mga supot este bata pala. =)

Mikerapphone Chronicles- Prank Calls

Pulis




Shabu




Mang Ramon




Mang Ramon "The Return"




Mikerapphone Views on Prank Calls





Get more of mikerapphone!

Blog:
http://mikerapphone.blogspot.com/
Official Website:
http://mikerapphone.ning.com/
Youtube Channel:
http://www.youtube.com/mikerapphone

Monday, July 20, 2009

Morsure (Bitten)

Frightened and alone, Clara flees through a dark and sinister forest, pursued by a gun-toting man, bent on her destruction. Clara is taken in by a friendly farmer, but appearances can be deceiving. An official selection of the 2008 London Film Festival.


Sunday, July 19, 2009

Too Blind To See

"Learn to love the people who are willing to love you at present. Forget the people in the past and thank them for hurting you which led you to love the people you have right now...."


"Too Blind To See..."

I sit here and the thoughts run through my mind
I sit here and cry as my pillow I hide behind
I let go the one thing more precious than gold
I let go the one thing that I had left on to hold

I was stupid, I didn't realize what I had
Now that I'm aware, I want you back so bad
So now it's over and we can't go back
Can't give it a chance to get back on track

We can't work it out, I can't make you see
That you mean everything, you mean the world to me
Now you're gone, now I'm all alone
I'm in so much pain, I have to make it known

I was in love, but I was too blind to see
That I was in love with you and you were in love with me...

Spider

Ilagay ang pagbibiro sa tamang lugar... XD~



Lovefield

Rate ko sa short film na'to is 10/10!



Wednesday, June 10, 2009

3 Bagay na bawal sa loob ng videoke room

Ito ang videoke room #7 sa dondolon arcade... located sa 2nd floor ng M-Star Las PiƱas.




Pansin nyo ba ung sticker na nakadikit sa itaas ng door knob at nasa gilid naman ng bilog sa gitna ng pintuan? Yan ang tatlong bagay na mahigpit ipinagbabawal sa loob ng videoke room.


#1. Bawal ang mag-yosi sa loob ng videoke room!
"No Smoking."



#2. Bawal ang chi-cha at panulak sa loob ng videoke room.
"No Food and Drinks."


#3. Bawal ang... kelangan ko pa ba sabihin?


Saturday, June 6, 2009

Wala munang blogging!

Sorry, hindi muna ako makakapag-blog. dahil ako po ay laging....