"The face can speak of a thousand emotions but it can easily mask what the heart truly feels. Don't be fooled...for the happiest face may be masking the most hurting heart..."

Official tambayan

http://www.meebo.com/rooms

Saturday, January 19, 2008

Tungkol sa Author ng Blog na Ito.

Pobrengpinoy; Saan ako nagmula?

Ang pangalang pobrengpinoy ay kinuha mula sa isang dokyumentaryo ng GMA-7 (Sine Totoo). Sa dokyumentaryong ito ipinakita ang mahirap sa mahirap na klase ng Pilipino. Kung saan dahil sa pagiging desperado ay nagawa nila magbenta ng parte ng sarili nilang katawan (ngipin, dugo, at maging ang kaliwang mata). Ang iba naman ay ginawang "campsite" ang ilang monumento sa kalakhang Maynila. Makikilala rin dito ang ilang taong naninirahan sa mga estero, sa mga lumulutang na styrofoam. At ang finale ng dokyumentaryo ang ang isang 75- yrs old na lolo na nagbebenta ng aliw sa halagang P30.00 upang may maipambili ng pagkain sa araw-araw.

August 18, 2007 nang ipalabas ito. Naging makabuluhan ang dokyumentaryong ito para sa akin sa kadahilanang namulat ako na may mas nahihirapan pa pala kesa sa kalagayan ko noong mga panahong iyon.

"Tomorrow's Gonna Be A Brighter Day!"



Who u? Who? Me? =)

Ang realname ko ay Franz, gamit ko ang franzredflame or pobrengpinoy kapag online ako sa internet (forums, chat, games etc.). Born on October 06, 1986 in Las Piñas City, Philippines and still dito pa rin ako nakatira, walang iwanan! ayt? Mahilig magbasa ng short stories, manuod sa youtube ng mga short films and documentaries, mahilig sa photography, music and art. Para sa akin isang biyaya ang internet at camera, sapagkat nagmimistulang isang salamin ang 2 bagay na ito upang makita mo ang nakikita nang aking mga mata.

Thank you and keep on supporting POBRENGPINOY ON KEYBOARD.

You can contact me through ym: franzredflame@yahoo.com

No comments:

Post a Comment